Lunes, Marso 9, 2015

Amaya

Si Raja Mangubat ay isang kilalang Raja na malupit at malakas. Kaya niyang pumatay ng tao gamit lang ang isang daliri. Nang sasakupin na niya ang isang lugar, lumapit sa kanya ang namumuno sa lugar na ito at hiniling na wag nang ituloy ang pagsakop dito ngunit hindi pumayag ang Raja at tinusok ng daliri sa tiyan at namatay. Kinuha nila ang mga kayamanan maging ang mga babae. Sinabi ng isang matanda na nakikita niyang malapit nang dumating ang tatalo kay Raja at iyon ay isang babaeng may kambal ahas.
Nalaman ni Datu Bugna na may anak na siya kay Dal'lang na isang uripon. Nalaman naman ito ni Lamitan na asawa ni Datu Bugna. Inutusan niya ito na painumin si Dal'lang ng halamang gamot para malaglag ang bata. Hindi pumayag si Datu Bugna. Nagalit si Lamitan kaya pinuntahan niya si Dal'lang. Inutusan niya ang kaibigan ni Dal'lang na hampasin ng patpat ang bibig nito hanggang sa ito'y dumugo. Nalaman naman ni Datu Bugna ang ginawa ni Lamitan.

Tagaytay Day!

Tagaytay Day! June 21. Walang pasok! Hinsi na natin inaalala at iniisip kung bakit nga ba walang pasok ang araw na ito. Ano nga ba ang dahilan kung bakit walang pasok?

Idineklara ng mga namuno noon na ang June 21 ay non-working holiday bilang pagdiriwang sa araw na ito. Inaprubahan ni Manuel L. Quezon ang Commonwealth act no. 338 noong 1938 na nagsasabing ang Tagaytay ay gagawing lungsod. Katulong din dito si Justiniano S. Montano ng Cavite. Hanggang ngayon, ipinagdiriwang pa rin ng mga taga-Tagaytay ang Tagaytay Day tuwing June 21. Madami ding ginagawang programa at aktibidad bilang pagdiriwang nito.

Lunes, Disyembre 29, 2014

Mga Pinagkukunang-yaman ng Pilipinas

Ang mga salik ng produksyon ay lupa, paggawa at kapital. Ang lupa rito ay tumutukoy sa mga yamang likas o ang kaloob ng kalikasan, kabilang ang mga lupaing agrikultural at industriyal. Ang paggawa at paggamit ng lakas at kakayahan upang makapagbigay ng serbisyo o makaambag sa produksyon.

Mga pinagkukunang-yaman:
Yamang likas
     Ang mga halimbawa ng yamang likas ay kagubatan, anyong tubig, anyong lupa, mineral, mga isada at mga hayop. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kagubatan sa aspekto ng pagbabalanse ng atmospera.
Yamang lupa
     Ang Pilipinas ay biniyayaan ng iba't ibang anyong lupa. Mula sa mga ito nagmumula ang iba't ibang mga yamang likas na ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay.
Yamang mineral
     Ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing tagapagluwas ng ilang mahahalagang metal. Ang industriya na pagmimina ay pinagmumulan ng malaking kita ng bansa. Ang Pilipinas ay may malaking suplay ng copper, nickel at bakal.
Yamang tubig
     Kabilang sa mahahalagang gamit ng mga ito ay ang paglikha ng enerhiya (hydro thermal power), irigasyon sa mga sakahan, rutang pantransportsayon, pinagkukunan ng hilaw na materyales at pangisdaan.
Yamang kapital
     Ang yamang kapital ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng tao upang kunin at isailalim sa isang proseso ang mga hilaw na materyales upang makabuo ng panibagong produkto.
Yamang tao
     Ang mga nabanggit na yamang likas ay hidni magiging kapaki-pakinabang kung hindi ito lilinangin at isasailalim sa prosesong nauukol sa paglikha ng mga produktong pang-industriya at pangkonsiyumer.








Reference: Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ikaapat na taon)

Ekonomiks sa Paglipas ng Panahon

Ang interes sa pag-aaral ng ekonomiks ay mula pa sa panahon nina Aristotle at Thomas Aquinas. Ang mga Physiocrat ang itinuturing noon na mga ekonomista.

Division of labor - mga taong may kakayahang tapusin ang iba't ibang aspekto ng paglilingkod. Napabibilis at napagaganda nito ang paglikha ng isang paglilingkod.
Ika-18 siglo - panahon ng Rebolusyong Industriyal. Sa panahong ito, nabuo at lumawak ang industriyang pampabrika.
Adam Smith
- nagsulong ng sistema ng pamilihan batay sa doktrina ng kapitalismo bilang kanyang sagot sa suliranin. Siya dina nga sumulat ng aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations.
Political economy - kinikilalang unang mukha ng pag-aaral ng ekonomiks.
Alfred Marshall 
- sa kanyang pangunguna, naipakilala ang ekonomiks bilang isang ganap na disiplina noong 1870. Inilimbag niya ang aklat na Principles of Economics.
Opportunity cost - ang mga bagay o oportunidad na pinakakawalan o ipinapalit sa paggawa ng desisyon.









Reference: Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ikaapat na taon)
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/4/43/Adam_Smith_The_Muir_portrait.jpg
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/82/Alfred_Marshall.jpg

Sabado, Hulyo 12, 2014

Ekonomiks at Ibang Agham Panlipunan

     Ang ekonomiks ay nagbibigay-pansin sa gawi ng tao kung kaya ito ay may kaugnayan sa ibang agham panlipunan.

Antropolohiya - sistematikong pag-aaral ng pinagmulan, ebolusyon at kultura ng tao. Nagiging batayan din ng pag-aaral ang mga maeryal at di-materyal na bagay tulad ng kasuotan, tirahan, paniniwala at pagpapahalaga.

Agham Pampulitika - sistematikong pag-aaral ng buhay pulitikal. Ang ekonomiks ay tumutugon sa pagkontrol ng lahat ng pinagkukunang-yaman, kabilang ang produkto at serbisyo na nakaaapekto sa kapangyarihang pampulitika sa loob at iba pang bansa.

Sosyolohiya - ang pag-aaral ng tao, pangkat at institusyon na bumubuo sa lipunan. Sa pamamagitan ng mga datos na ibinibigay ng mga sosyologo, naipaliliwanag ang dahilan ng krimen, kahirapan, lumalaking populasyon, paglaganap ng iskwater at iba pang panlipunang suliranin.

Pilosopiya - ang pag-aaral na nagnanais maunawaan ang hiwaga ng buhay at realidad. Bawat institusyon sa lipunan ay nababatay sa pilosopiyang kaisipan, ang institusyon mang iyan ay batas, pamahalaan, relihiyon, pamilya, kasal, industriya, negosyo o edukasyon.

Sikolohiya - siyentipikong pag-aaral ng mga prosesong pangkaisipan (mental processes) at gawi. Ang pananaliksik na ginagawa ng mga sikologo ay magbibigay ng malawak na pang-unawa kung paano ang mga manggagawa ay maging produktibo sa kanilang hanapbuhay.

Heograpiya - ang pag-aaral ng lokasyon at pamamahagi ng mga nabubuhay na bagay sa daigdig at ang ugnayan sa iba pang bagay sa daigdig. Ang pag-aaral ng klima ay magbibigay datos sa mga ekonomista kung bakit ang isang lugar ay maraming tao, may iba't ibang hanapbuhay, angkop na produkto at industriya na dapat bigyang-pansin.

Kasaysayan - ang pag-aaral ng nakaraan. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nakatutulong upang makakuha ng mga kaisipan sa nakaraan na magiging batayan sa paggawa ng desisyon at patakaran na makaaapekto sa kabuhayan ng bansa.

Archeology - ang pag-aaral sa nakaraan sa pamamagitan ng pagkilala at interpretasyon ng mga materyal na labi (remains) ng kultura ng tao. Ang mga nahukay na labi ng mga nakaraang sibilisasyon ay nagbibigay-linaw sa mga pangkabuhayang kultura ng tao sa iba't ibang panahon.

Criminology - ang maka-agham na pag-aaral tungkol sa krimen, kriminal, gawain ng kriminal at ang criminal justice system. Ang criminology at ekonomiks ay nagkakaugany sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano makaaapekto sa ekonomiya ang paglaganap ng krimen at iba pang uri nito.

Demography - ang pag-aaral ng distribusyon, komposisyo at pagbabago ng populasyon ng tao. Nagkakaroon ng pagsusuri sa epekto ng populasyon sa ekonomiya ng bansa, ang komposisyonng populasyon na bumubuo sa lakas-paggawa, gayundin ang epekto ng malaking populasyon sa antas ng pagkatuto, sa antas ng kasanayang dapat makamit upang maging produktibong mamamayan.









Ref: EKONOMIKS (Batayang Aklat para sa Ikaapat ng Taon)

Biyernes, Hulyo 11, 2014

Kahulugan ng Ekonomiks

     Ang salitang ekonomiya ay nanggaling sa matandang salitang Pranses na economie na nangangahulugan ng pamamahala ng sambahayan. Ang salitang Pranses na ito ay hinango sa salitang Griyego na oikonomia. Ang oikonomia naman ay nanggaling sa salitang oikonomos na galing sa dalawang salita - ang Oikos na nangangahulugan ng bahay at nomos na nangangahuligan ng pamamahala.

   Ang pinakamatandang kinikilalang nakasulat sa larangan ng ekonomiks ay ang Oeconomicus, isang aklat tungkol sa pagsasaka at pamamahala ng sambahayan na sinulat ng pilosopong si Xenophon.














Ref: EKONOMIKS (Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon)